COLC, pinangunahan ang paggunita sa kapistahan ng Birhen ng Carmel

Ipinagdiwang ng St. Joseph College of Cavite, Inc. (SJCCI) sa pamumuno ng Confraternity of Our Lady of Mt. Carmel (COLC) ang kapistahan ng Mahal na Birhen ng Carmel sa pamamagitan ng isang banal na misa, Hulyo 16 sa Simbahan ng San Roque.

Idinaos rin ang pagtatalaga sa mga Josephians bilang ganap na miyembro ng COLC sa pangangasiwa ng Religion Coordinator na si Sr. Juliet Natinga, A.R.

Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng pagbabasbas ng mga medalyon at scapulars na simbolo ng debosyon sa Mahal na Birhen.

Kasabay ng malugod na pagtanggap ng mga mag-aaral sa nasabing mga medalyon ay ang pag-awit nila ng mga awit para kay Maria tulad ng Hail Mary, Mary Immaculate, Mother of Christ, at ang Hymn to Our lady of Mt. Carmel.

Isang makabuluhang programa ang isinagawa ng COLC sa gymnasium ng paaralan matapos ang misa.

Sumali ang mga mag-aaral mula sa elementarya at sekondarya sa iba’t-ibang palaro kung saan nasukat ang kanilang kaalaman tungkol sa patrona. (JIAN CARLO DE GUZMAN)