Josephians, lumahok sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika

Sumali ang St. Joseph College of Cavite, Inc. (SJCCI) sa iba’t-ibang paligsahan na isinagawa ng DepEd-Division of Cavite City bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na may temang “Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran,” Agosto 24 sa Mababang Paaralan ng Ladislao Diwa.

Ang paksa ngayong taon ay nagbigay diin at pansin sa paghihikayat sa lahat na gamitin ang sariling wika at bigyan ito ng halaga upang makamit ang pagkakaisa at pag-unlad ng bansa.

Nasungkit ng SJCCI ang ikatlong gantimpala sa paligsahan ng Interpretatibong Sayaw.

Ang nasabing paligsahan ay nilahukan ng mga mag-aaral mula sa ikapito, ikawalo, at ikasiyam na baiting.

Bawat pangkat na kalahok sa patimpalak ay nagbigay ng sariling interpretasyon sa mga awiting “Saranggolani Pepe” at “MamangSorbetero” na pinasikat ng Filipinang mang-aawit na si Celeste Legazpi.

Bukod sa Interpretatibong Sayaw, ang mga Josephians ay sumali din sa mga sumusunod na paligsahan: Paligsahan sa Balitaan nanilahukan ng mga mag-aaral mula sa ikatlong baitang; Bigsaywit na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa ika-apat, ikalima, at ika-anim na baitang; at Paggawa ng Maikling Pelikula na nilahukan naman ng mga mag-aaral mula sa ikasampung baitang. (JOHN CARLO O. URBANO)