Josephians, nakilahok sa Career Day 2015

Matagumpay na isinagawa ng St. Joseph College of Cavite, Inc (SJCCI) ang “Career Day”, Agosto 5, kung saan nakilahok ang mga mag-aaral mula elementarya at sekondarya.

Ang nasabing programa ay pinangunahan ng Guidance Counselor na si Bb. Cyrene Delos Santos, alinsunod sa paglulunsad ng Senior High School program sa susunod na taon.

Pumarada ang mga mag-aaral sa isang “Career Runway” habang suot-suot ang mga damit at kasuotan na may kinalaman sa kanilang napiling propesyon o trabaho.

Sa pangunguna ng Head of Student Affairs na si G. Abelardo D.G. Senido Jr., kinilala ang mga mag-aaral na may pinakamagandang kasuotan.

Ang mga mag-aaral na pinarangalan ay sina Christine Joyce Librojo (ika-4 na baitang), Carl Matthew Alba (ika-5 baitang), Vianca Lyn Ordonez at Poylyn Elopre (ika-10 baitang).

Nagsilbing isa sa mga tagapagsalita ng programa si Gng. Ma. Gracia V. Corral, ang SHS coordinator  ng paaralan. (CLARIDEL S. PAGCU)