Josephians, umani ng mga parangal sa Division Science Quiz Bee

Dalawang mag-aaral mula sa sekundarya ng SJCCI ang nakakuha ng karangalan sa ginanap Division Science Quiz Bee, Setyembre 23, sa Cavite National High School.

Kapwa nasungkit ni Dianne Yumol (Grade 7 – Timothy) at Alyssa Mae Baro (Grade 8 – Philippians) ang ikatlong puwesto sa nasabing tagisan ng talino.

Anim pang mag-aaral ang sumali at kumatawan sa SJCCI.

Sila ay ang mga sumusunod: Zul Qarnain Gilera (Grade 7 – Timothy); Danica Mai Bernal (Grade 8 – Philippians); Nathaniel Francis Filoteo at John Carlo Urbano (Grade 9 – Galatians); Jamil Angela Amorado at  James Dainyel Sebastian (Grade 10 – Mark).

Sa kabilang banda, ang mga piling mag-aaral sa elementarya ay lumahok din sa naganap na paligsahan.

Sila ay sina Louise Ryel Anneka Quila (Grade 3 – Amos), Theo Lemuel Abao-an (Grade 4 – Jonah), Carl Matthew Alba (Grade 5 – Hosea), at Lance Christian Romero (Grade 6 – Isaiah).

Sina Bb. Kristine Ann De Guzman at G. Orlan Brylle Tarac ang nagsilbing mga gurong tagapagsanay ng mga kalahok sa nasabing paligsahan. (JAMES DAINYEL R. SEBASTIAN)