Josephians, wagi sa DSPC 2015

Umani ng parangal ang mga miyembro ng pahayagan ng St. Joseph College of Cavite Inc. na St. Joseph Times at Balitang San Jose sa Division School Press Conference 2015, Setyembre 30 sa Mababang Paaralan ng Ladislao Diwa.

Ang taunang paligsahan sa Journalism ay may temang “The Role of 21st Century Campus Journalists in Promoting Governance, Leadership, and Transparency.”

Nanguna sa pagkamit ng gintong medalya sina Alyssa Mae R. Baro kung saan ipinakita niya ang kanyang husay sa pagsulat ng balita (News Writing – Filipino) at Abram-Raini D. Pareja pagdating  sa Radio Broadcasting (Best Anchor in Radio Broadcasting – English).

Samantala, nakamit naman ni Erilou G. Camua ang ikalawang puwesto sa pagkuha ng larawan (Photojournalism – Filipino).

Ang mga nag kamit ng ikatlong puwesto ay ang mga sumusunod: Nathaniel Francis Filoteo (Pagsulat ng Balita/News Writing – English); Miguel Antonio  Pacion (Pagsulat ng Artikulong Pampalakasan/Sports Writing – Filipino), Jamil Angela Amorado (Pagkuha ng Larawan/Photojournalism – Filipino), Jian Carlo de Guzman (Best Technical Director in Radio Broadcasting – Filipino) at ang grupo ng i-Speak (Best infomercial in Radio Broadcasting – English).

Samantala, ang mga nagkamit ng ikaapat na puwesto (4th place) ay sina Andrei Estacio (Pagsulat ng Artikulong Pampalakasan/Sports Writing – English), Maria Sabrina Erica Carlos (Pagsulat ng Editoryal/Editorial Writing -English), James Dainyel  Sebastian  (Pagsulat ng Editoryal/Editorial Writing – Filipino), Kirk Andre Pangilinan (Pagsulat ng Artikulong Pang-agham/Science and Health Writing – English), John Carlo Urbano (Pagsulat Ng Artikulong Pang-agham/Science ang Health Writing – Filipino), Monnica Isabelle De Lara (Pagsulat ng Lathalain/Feature Writing – English), Ann Janine Garcia (Pagsulat ng Lathalain/Feature Writing – Filipino), Jared Labrado (Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita/Copyreading and Headline Writing – English), Danica Mai Bernal (Pagwawasto at Pag-uulo ng Balita/Copyreading and Headline Writing – Filipino), Justine Georgebien Parce (Kartung Editoryal/Editorial Cartooning – English), at Alyssa Austtine Perello (Kartung Editoryal/Editorial Cartooning – Filipino).

Ang mga nagwagi DSPC ay pasok na at maaari ng lumaban para sa Regional School Press Conference (RSPC) na gaganapin  sa Disyembre taong 2015.

Nagsilbing gurong tagapagsanay sina G. Mark Rio F. Lacson at G. Orlan Brylle V. Tarac sa mga Josephians na lumahok sa nasabing press conference. (JOHN CARLO O. URBANO)