Pagbabago sa pamunuan ng SJCCI, ipinatupad

Kasabay ng opisyal na pagbubukas ng bagong akademikong taon ay ang mga pagbabago sa pamunuan ng St. Joseph College of Cavite, Inc.

Sa bisa ng pagtatalaga ni Mother-General Maxima Pelaez, A.R. kasama ang mga Councilors ng Augustinian Recollect Congregation, ipinatupad ang mga pagbabago sa pamunuan ng institusyon.

Hinirang na bagong Punong Guro ng Basic Education Department si Sr. Annielyn Alejado, A.R., ang ARSC Sister-Servant noong nakaraang taon.

Si Sr. Mary Joy Dula, A.R. naman ang bagong school treasurer at kahalili ni Sr. Annie bilang ARSC Sister-Servant.

Si Sr. Juliet Natinga, A.R. ang naitalagang Religion Coordinator.

Samantala, si Bb. Rowena S.J. Intal ang bagong Academic Coordinator ng Basic Education Department.

Naitalaga naman bilang Senior High School (SHS) Coordinator si Gng. Ma.Gracia Corral na siyang mamamahala sa pagbubukas at pakikiisa ng SJCCI sa K12 Senior High School Program ng DepEd.

Kabilang din sa mga umani ng mainit na pagtanggap ay si Bb. Jeanbell C. Tañedo na nakapagtapos ng kursong Bachelor of Secondary Education – Major in English sa St. Rita College – Manila, na nagtuturo ng asignaturang Filipino at Ingles sa sekundarya. (ALYSSA MAE R. BARO)